Life in My New City

Mga dalawang buwan na rin kami sa bago naming tinitirhan ngayon. Bago kami lumipat, sobrang ibinibida ng kapatid ko sa amin ng nanay ko na disiplinado daw ang mga tao doon sa city na titirhan namin, kaya nga daw tinawag na “Lungsod ng may Mabuting Pag-uugali”. Well, after two months, ano ba ang mga napansin ko sa lugar na ito?

Gusto ko sanang magfocus doon sa mga observations ko habang nagko-commute ako. Pero may mga nakita rin naman ako na hindi lang puro kwentong jeep yung nakita ko, so mas maganda kung city-wide na lang yung observations ko. This list may change from time to time, since hindi pa kami nakakalipat sa dapat naming bahay (nangungupahan pa lang kami, remember?). So ano yung mga nakita kong interesting about the new city I live in?

  1. High-tech ang mga jeep dito. Kadalasan may mga string na pwedeng hatakin ng pasahero kapag gusto na niyang bumaba. Minsan gumagawa ng tunog yung paghatak mo, minsan naman e may umiilaw sa harap ng driver. Kung sa paghatak mo ng tali e tila hindi tumitigil yung jeep, sumigaw ka na lang ng “Para!” imbes na hatakin mo ng ubod tindi yung tali. Dahil noong ginawa ko iyon, napigtas yung tali at humampas yung dulo ng tali sa mata noong isang pasahero. Tumakbo ako palayo ng jeep noong narinig kong nagmumura na yung natamaan ng tali sa mata.
  2. Laging may “wingman” yung mga driver ng jeepney sa amin. Sila yung nasa harap na seat ng jeep na sigaw ng sigaw ng destinasyon ng jeep sa mga pasahero, at kung gusto mong parahin yung jeep para makasakay ka, tawagin mo ang atensyon niya at wag yung driver dahil hindi ka niya papansinin. Huwag ka ring uupo sa harap ng jeep kapag may wingman yung driver, dahil promise, 1/4 lang ng puwitan mo ang makakadama ng upuan. Plus, makakaranas ka pa ng libreng paligo courtesy of your seatmate’s saliva.
  3. Mahilig mag-sight-seeing yung mga tao dito. Kadalasan kapag medyo maluwag yung jeep, yung mga pasahero e nakagilid at nakatanaw sa bintana ng jeep. Okay lang sana, pero minsan kahit sabihan na sila ng “wingman” na ayusin ang  upo nila para makaupo yung ibang pasahero e hindi sila nakikinig, at nakadungaw pa rin sila sa bintana. Kaya tuloy yung sampuan na jeep e nagiging siyaman na lang. Kung tutuusin e matagal na naman silang nakatira dito (wushu, paano naman kaya ako nakasiguro?) so bakit parang bago pa rin sa kanila yung mga dinadaanan ng jeep na kailangan nilang tanawin yung mga “landmarks”?
  4. Hindi totoo yung sinasabi dito na hinuhuli yung mga dumudura sa kalsada. Ilang beses na akong kamuntik matamaan ng ligaw na something, na itinitira ng mga pasaherong lalaki sa bintana ng jeep. Hindi ko alam kung bakit ang malas ko, dahil palagi akong nasa likod ng mga lalaking dumudura, so kapag umaandar yung jeep at umiihip yung hangin, nabibiyayaan ako ng something icky.
  5. May ilang hindi marunong magbasa ng karatula. Nagpunta kaming mag-iina one time sa bilihan ng mga furnitures, at may karatulang papel sa isang sofa (na nakalagay sa mismong upuan) na nagsasabing “Thank you for NOT sitting”. Pero nagulat na lang kami ng may umupo sa upuan na iyon, at yep, sakto niyang inupuan yung karatulang papel. Pagtayo niya, ayun, nalamukos na yung karatula.
  6. Maraming taong grasa sa kalsada. May ilan na harmless, pero merong ilan na nambabato nang kahit na anong mahawak. Isa sa mga rules sa city na iyon e “bawal lumabas ng bakuran na walang suot na t-shirt”. Mabuti at sumusunod yung mga taong grasa sa provision na ito. May t-shirt nga sila, wala naman silang shorts o underwear.
  7. Dahil mayroong bicycle lane, marami ang nagbibisikleta. Minsan nga may isang bike na kumapit sa hawakan ng jeep na sinasakyan ko. Noong una naaaliw siya, pero noong umaarangkada na yung jeep, napamura yung nagbibisikleta ng “ay $#^&*^ ang bilis!”. Noong biglang huminto yung jeep, hindi siya nakapreno agad so umaarangkada pa rin yung bisikleta niya, so sumabit yung balikat niya at sumemplang. I want to feel sorry for the guy, pero mukhang nag-eenjoy pa rin siya, kasi nakangisi pa rin.
  8. Malinis ang palengke. Oo nga, basa ang kalsada and all that, pero hindi maputik gaya noong palengke sa dati naming bahay. Minsang bumili kami ng bagoong sa isang ale, nasa bahay na kami ng mapansin naming hindi na maganda ang amoy ng bagoong. Kinabukasan bumalik ang nanay ko sa aleng nagbenta sa kanya ng bagoong na iyon at sinabing mabaho nga yung bagoong. Nagulat ang nanay ko nang sabihin sa kanya nung ale na ibalik sa kanya yung bagoong na iyon, dahil marami daw siyang suki na gusto ng mabahong bagoong. Hindi na namin ibinalik yung bagoong (kasi nasa basurahan na), at tila naninibago daw yung ale sa kanya, dahil siya lang daw ang bumibili sa kanya na ayaw ng mabahong bagoong.
  9. Hindi tumatanggi sa pasahero yung mga tricycle driver. Kahit hindi nila destinasyon, basta pinara mo sila, ihahatid ka nila. May tungtungan din ng paa yung pasaherong uupo sa likod ng driver, so hindi sasabit yung sakong niya doon sa kadena o sa gulong.
  10. Alas-singko na pero may nagdidisco pa rin. Sa buong kalugaran e sila lang yung loud ang music. Hindi pa kasi ako nakakadaan sa disco/bar dati kapag mga alas-singko, so hindi ko alam kung normal lang ba iyon or what.

Kahit na hindi ganoon ka-pleasant yung ilan sa mga nakita ko, tingin ko e okay na rin ako sa nalipatan namin. One good reason is that wala na naman kaming choice, and bukod doon e mukhang mababait naman yung karamihan sa mga tao. May mga ilan na talagang pagsasabihan ka kung hindi ka tumatawid sa tamang tawiran, kahit na hindi naman sila traffic enforcer. Minsan namimiss ko pa rin yung bahay namin sa Caloocan, na dumadating ako sa point na nagpaplano akong dumalaw minsan. Pero kahit na ganoon, I think magsusurvive ako dito sa bagong city na tinitirhan namin.

Hindi na ako makapaghintay na makalipat doon sa totoong bahay namin (yes, peke itong tinitirhan namin ngayon).

Wow, ngayon ko lang narealize na this is my 100th post. Congrats to me! :P

blog comments powered by Disqus