On Automated Elections

Hanggang ngayon hindi ko alam kung dapat ko bang ipost itong entry na ito. Una, I am really trying to avoid creating opinions, especially kung masyadong sensitive. Pero naisip ko naman, hindi naman ako mang-aaway, so ituloy ko na di ba? O sige, simulan na natin. Mabilis lang ito.

Alam naman na nating lahat na sa darating na 2010 elections sa Mayo e fully automated na ang paraan nang pagboto. Sabi nga ng SexBomb, may bilog na hugis itlog na ishe-shade ng mga botante. Tapos yung sheet na yun e isasalang sa isang makina para iscan at mabilang ang boto mo. Kung noon daw e tumatagal ng linggo (o buwan) yung bilangan ng mga boto, ngayon e mga 36-48 hours na lang daw. Kung noon e prone sa pandaraya ang election process, ngayon e malabo na raw itong mangyari. Okay na sana ang lahat, kaso me mga nagsusulputang mga “signs” na mukhang mas magiging magulo ang election this year.

Sa isang buwan lang, nagawang i-deface ng mga hindi kilalang hackers ang limang websites ng gobyerno natin: Department of Health, Department of Social Welfare and Development, National Disaster Coordinating Council, Department of Labor and Employment, at ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority. The last one shows a message that mocks the automated elections on May which says: “Ano ba gagamitin sa Election? Blade server? Juniper Firewall?” Just now, while trying to fix the defaced site, it was hacked again by redirecting its viewing users to Smartmatic, the company contracted to implement the nation’s first automated elections.

Kahit siguro hindi ganoon kaalam sa computer, pag narinig ang balitang ito e mapapaisip. Handa na ba talaga tayo sa darating na automated elections? Kung yung mga websites ng pamahalaan natin, nagagalaw na ng mga hindi kilalang tao, what more the election results? Iniisip ko kasi, baka masyado lang tayong nagrarush into automating the elections ngayon, because the current COMELEC chairman wants to clean the commission’s image after the Hello Garci scandal immediately. Well, it’s a just reason, kasi kung itutuloy pa rin nga naman yung balloting style ng pagboto, baka wala nang maniwala sa results, lalo na at maalala uli ng tao yung nangyari nung 2004. But if we stick to the automated elections, the COMELEC might find itself risking their last shot to clean their image to hackers. Are they willing to risk it?

Sadly hindi ako makakaboto this coming elections. Pero kahit ganoon, I am still concerned as to how the elections would go. The coming elections is a big one, since boboto rin tayo ng mga magiging pangulo at pangalawang pangulo natin. Sana nga totoo yung sinasabi ng COMELEC na hindi magagalaw ng mga hackers ang mga important results nito, dahil mago-operate daw sila under a VPN.

For more information, punta ka na lang sa pinakamalapit na news website like GMANews.tv, at Inquirer.net.

  • promking
    malaki ang tiwala ko sa concept ng COMELEC ngayon..

    unang una, dini-delay nila ang tactics nila.. at hindi sila sumusunod sa prescribed schedule.. isang tactic yan para hindi ma-hack ang systems.

    oo nga at nakakasira nga ng reputasyon nila yun.. pero sa huli, kung magiging credible ang eleksyon, ok na ako sa COMELEC.
  • umaasa ako na magagawa ng COMELEC ng maayos ang susunod na halalan. Sana maging payapa at tapat.
blog comments powered by Disqus