Noong una I never realized how Manny Villar conquered the television and the radio through his ads. Lately ko lang narealize when someone cracked me a joke.
Siya: Dude, may tanong ako sa iyo.
Ako: Uy, sige ano yun?
Siya: Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
Hindi na naghintay ang utak ko ng ilan pang segundo. Alam ko na agad kung saang kanta matatagpuan yung eksaktong tanong na iyon. And yeah, for those of you who doesn’t watch television or listen to radio, that’s a line from Manny Villar’s latest jingle, performed by his, well, the street children guys and girls. Para mainis ka lalo sa iyong umaga, here’s the complete lyrics of the song, manually typed by me (dahil kabisado ko siya, I bet you can do this too).
Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura
Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada
Ganyan ang tanong namin,
tunay ka bang isa sa amin?Nalaman mo na bang mapapag-aral ka niya
Tutulungan tayo para magkatrabaho*
At ang kanyang plano’y magkabahay tayoSi Villar ang tunay na mahirap
Si Villar ang tunay na may malasakit
Si Villar ang may kakayahan at gumawa ng sariling pangalan
Si Manny Villar, ang magtatapos ng ating kahirapan.
Disclaimer muna! First of all I am not trying to endorse Manny Villar for whatever government post he wants us to vote him for (come on, hindi pa ba halata?) Tingin ko nga he doesn’t need such endorsements na, dahil he’s literally everywhere. And almost everyone is having an LSS of this song.
Sa isang interview sa isang special ng GMA News and Public Affairs na “Isang Tanong: The Presidential Forum”, isa sa mga itinanong kay Manny Villar ay ang agresibo nitong pagsasahimpapawid ng mga infomercials niya, making him one of the top 10 advertisers in the television (and radio? hindi ko sure). Well ang sagot lang naman niya e, since hindi daw siya ganoon kakilala sa publiko, kailangan daw niyang gawin iyon para maipakilala ang kanyang sarili at maipakita yung mga intensyon niya.
So, infomercials? Maaaring ang ilan ay magtatanong kung bakit nagpapalabas na sila ng ganyan samantalang hindi pa naman campaign period. Well the Supreme Court already said that showing infomercials are legal, saying that this is considered as “an exercise of the candidates’ freedom of expression.” So kahit hindi pa campaign period, okay lang na magpakita sila ng mga ganitong commercials, siguro as long na hindi nila sinasabi na iboto sila for a certain position. Kaya nakikita natin si Manny Villar na todo palabas ng mga infomercials, na minsan parang napapagod na ako sa kakapanood. Minsan na lang ako manonood ng TV sa bahay (ahem, walang cable), pero siya at siya pa rin ang nakikita ko. Yung kanyang jingle, his interview with Michael V. and his personas, yung kanyang “vision para sa bayan”. Everything’s orange!
For me the election period here in the Philippines is the most tiring to go through. Noon ngang wala pang infomercials nakakapagod na. At least noon, during campaign period mo lang mapapanood yung mga commercials ng mga kandidato. Ngayon kahit wala pang campaign period, nakikita mo na sila. Gaano pa kaya katindi ang mapapanood nating mga ganitong commercials once nagsimula na ang campaign period sa Pebrero? Baka sunud-sunod mo na silang makikita habang hinihintay mong bumalik yung TV show na pinapanood mo (kung babalik man)?
Well, hindi naman totally masama ang infomercials. Come to think of it, as long na hindi lang puro porma ang ipinapakita sa infomercials, I think this would really help the voting populace. Kung maayos nilang maipapakita ang mga plano nila sa bayan using infomercials, why not? Mas matutulungan nila ang taumbayan to decide whose plans are better among the candidates. Pero kung puro porma lang ang ipapakita nila sa mga infomercials nila, o kaya puro “mahal ko kayo, hindi ko kayo iiwan”, tingin ko mas mabuting mag-isip-isip uli sila. Hindi biro ang bayad sa infomercials, so imbes na pumorma sila ng pumorma, mas maganda kung bit by bit e ipakita na nila ang mga plano nila.
Andito na ang election season. Naamoy mo na ba ang simoy ng hangin?
*Kung mapapansin mo yung buka ng bibig ng mga estudyanteng kumakanta ng linyang ito, mapapansin mo na ang sabi nila e “magkanegosyo” at hindi “magkatrabaho”. Siguro pinalitan yung lyrics at the last minute, dahil baka umasa nga naman ang taumbayan na lahat sila e magkakanegosyo.











