The Libre Incident

Inquirer Libre is a free newspaper that is being distributed, uh, free of charge, in MRT/LRT stations. I will do anything just to get one. Just like this.

Kadalasang nakakabore ang mahabang biyahe. Biruin mo, nakatayo/nakaupo ka lang habang naghihintay ka na makarating sa paroroonan mo. Kaya ako minsan, I want to listen to radio or read something para naman malibang ako. Super effective ang mga ito, kaya naman nawawala ang inip ko. Buti na lang at hindi naman ako lumalagpas sa babaan ko.

Ang pinakabinabasa ko talaga pag bumibiyahe e yung Inquirer Libre. The best things in life are Libre talaga, and since MRT/LRT ang sinasakyan ko, mataas ang rate ng accessibility ko sa dyaryong ito. Marami nang sumubok na gumaya at dumaig sa Libre, pero so far, Libre pa rin talaga ang nakikita kong nangunguna, well at least for me. Kaya naman kapag may mga pila-pilang Libre newspapers na inilalatag sa lalagyan nito sa loob ng station, everyone’s trying to go and get one. It is always a fierce battle among passengers. Wala nang pakialamanan kung matamaan ka sa mukha ng dyaryo na kinukuha nila or what, basta makakuha lang sila. Hindi mo magagawang maghintay for your turn, kasi may mga tao na dangkal-dangkal ang kinukuha na dyaryo. I sometimes ask myself “hindi ba niya alam na pare-pareho lang ang laman ng mga dyaryong yun?”, pero inisip ko na lang na baka ipamimigay niya ang mga iyon sa mga ka-opisina niya. Mayroon pa nga, matandang babae, pero wag ka, pagkaalis niya e hindi siya magkandaugaga sa pagdadala ng pagkarami-raming issues ng Libre. Kaya tuloy nagkukulang yung supply para sa lahat ng pasahero, kasi yung iba e sinuswapang yung mga kopya.

Nitong mga nakaraang araw e palagi na akong nauubusan ng kopya ng Libre. Sobrang bihira na yung makakuha ako ng copy, kadalasan e dala lang ng kapatid ko from her work. Kaya dumating rin yung time na hindi na ako umasang may mababasa pang Inquirer Libre. Kung ayaw nila akong bigyan ng copy e di wag, magpaswapang na lang sila sa mga pasaherong parang may sariling newspaper stand kung kumuha ng Libre.

Then one time, noong nakasakay ako sa MRT papuntang Ayala Station, an old man was reading a copy of Inquirer Libre while sitting in front of me. Nakatayo lang kasi ako noon since sa Cubao ako sumakay (and unless skipping train yun, hindi ka talaga makakaupo, EVER). So habang nagbabasa siya e nakatingin lang ako sa dyaryo niya, at kahit pabaliktad e nababasa ko pa rin naman ang mga headlines. Dati e okay na sa akin yun, pero kapag nakikita kong interesting yung headline e nagke-crave ako to read more about it. Tapos nakakainis pa, kasi ang bilis niyang maglipat ng pages, kaya tuloy hindi ko matapos basahin yung mga headlines. Grrr.. (okay, nakalimutan kong nakikibasa lang pala ako)

Noong tapos na niyang basahin yung kopya ng Libre e isinuksok niya yun sa sandalan ng upuan. Kadalasan sa mga nakikita kong bumabasa ng Libre e dinadala ito hanggang sa pagbaba nila, pero itong isang ito e medyo considerate sa ibang gusto pang bumasa. Kaso medyo hindi lang appropriate yung ginawa niya, kasi tingin ko littering ata ang tawag doon. But regardless, I was already hoping that time to get that Inquirer Libre copy. Kaso parang ang awkward naman kung aabutin ko yung copy na nasa likod lang niya. Parang there’s a rush in my veins na kailangan ko nang kunin yung copy na yun bago pa ako maunahan. Pero mukha namang walang may balak, o baka naman humahanap lang din sila ng tiyempo gaya ko. And then sinabi ko sa sarili ko, sige, kukunin ko ang dyaryong iyon kapag bumaba na yung matanda na may-ari noon. Tingin ko courteous enough na yun. Dumating kami sa Boni, sa Guadalupe, sa Buendia, and finally sa Ayala. Pero hindi pa rin siya bumababa! I took a gulp of my own saliva (eww) and then told myself, “well, hindi naman masamang kainin ko ang sarili kong salita”. Noong pababa na ako, I snatched the copy of Inquirer Libre and immediately alighted the train. Hindi na ako lumingon. Dire-diretso ako sa hagdan. At habang umaakyat ako ng hagdan, nakaramdam ako ng kakaibang saya noong makuha ko ang Libre. Man, I was able to pull that off! Noon na may nagsuksok rin ng dyaryo sa may sandalan at sinubukan kong kunin e lalo lang lumubog, hanggang sa hindi ko na nakuha. Sobrang pahiya pa ako dati, kasi people at my back were waiting for me to either sit or move away para makaupo rin sila sa bakanteng seats. Tapos noong makita nila na ina-attempt ko na kunin yung dyaryo e hinayaan na nila ako, and I even feel their support for me. Kaso noong hindi ko nakuha? Epic fail. Buti na lang at ngayon ay nagawa ko nang kunin yung dyaryo.

Noong nakaakyat na ako sa concourse area, sobrang nagulat ako noong makita ko na mayroon palang mga available na Inquirer Libre sa may istante nito. As usual nagkakagulo pa rin yung mga tao sa pagkuha. Damn, sana pala hindi ko na lang kinuha yung nasa may upuan. :lol: Pero okay na rin, kasi for me malaki pa rin yung possibility na wala akong makuhang Libre na copy sa kahit SAANG MRT/LRT Stations, so kukunin ko pa rin yung kopya ng Libre na nakaipit sa sandalan sa tren.

PS: Noong binasa ko yung Inquirer Libre? Damn, walang showbiz articles! Tapos puro ads! Grrr…

  • Love
    basahin mo ang horoscope para matuwa ka :)
  • oo nga e... at ang nakakatuwa pa nito, parang most of the time e angkop sa akin ang horoscope ko! :))
blog comments powered by Disqus