Kwentong Barbero

Never enter a barber shop if you are not even capable of paying for the service. Unless magaling kang tumakas, at hindi lame ang paraan mong iyon.

Ito ang natutunan ko noong Sabado noong pumunta ako ng EDSA Shangri-La para bumili ng ireregalo ko sa wish ng nabunot ko sa kris kringle namin. Medyo mahirap hanapin yung regalong gusto niya, pero buti na lang at nakakita ako sa Shang. Sakto lang ang dala kong pera noon, pambili sa regalo at pamasahe, which is labag sa bilin ng nanay ko na palagi akong magdadala ng extrang pera. Just in case daw na makabasag ako ng itlog: literally or figuratively. Kaso that time e sobrang tinatamad talaga akong pumunta ng Shang, dahil ang gusto ko lang gawin talaga sa bahay noong araw na iyon e ang magpakatamad. Pero dahil ata sa akin e na-extend pa yung date kung kailan kami magbibigayan ng regalo sa office (wow, special?) para lang mabigyan pa ako ng time na makabili ng regalo, so yun na lang ang pagkakataon ko na makabili.

Pagkatapos ng medyo matagal-tagal na paglalakad at paghahanap, nakita ko na rin yung bilihan ng stuff na gusto ng nabunot ko na iregalo ko sa kanya. Kadalasan, kapag papasok ako ng mall, pag nabili ko na yung stuff na gusto ko e kadalasang diretso uwi na ako. Kaya nga nasanay ako na sakto lang ang pera na dala ko. Kaso that time, medyo nag-ikut-ikot pa ako, at nakita ko nga itong Bruno’s Barbers. Napapansin ko na ito sa The Fort, kaso hindi ko pa lang talaga nabibigyan ng pansin. Pero ngayong medyo nararamdaman ko nang mahaba na ang buhok ko, so naisip kong panahon na para magpagupit. Ang huling gupit ko e noong nasa dating bahay pa lang kami, so mga ilang buwan na rin. Since noong bata ako e parating sa mga ordinaryong barberya lang ako nagpapagupit, so noong makita ko yung Bruno’s Barber, tingin ko e sosyal na pagupitan ito. :P Pero hindi ko alam kung magkano ba ang pagupit dito, and since saktong 100 pa naman ang pera ko bukod sa pamasahe, naisip kong pasukin na itong barber shop na ito. Tingin ko e hindi pa naman aabot sa 100 yung pagupit.

Pagpasok ko pa lang e napansin ko nang sobrang aliwalas ng paligid. Hindi katulad sa mga barberya sa kanto na medyo madilim at bubuksan lang yung ilaw kapag may customer na (nagtitipid siguro sa kuryente). Maraming salamin, upuan at may lababo pa para sa hugasan ng ulo (baka may nagpapa-rebond din na mga lalaki dito) May isang lalaki nang sumalubong sa akin, tapos pinapapunta na niya ako sa cashier, na noon ay may ine-entertain na customer na nagbabayad sa kanya. Siguro una muna ang bayad dito bago ang gupit. Pero hindi muna ako dumiretso talaga. Tinanong ko muna yung lalaki (na I assume e barbero) kung magkano ba ang gupit.

Ako: Magkano po ba ang-
Barbero: Ah doon po muna kayo sa cashier makipag-usap.
Ako: Magkano po ba ang gupit?
Barbero: (long pause) 180 po.
Ako: Aahh…

Doon na ako nagsimulang magpanic. Alam ko sa sarili ko na hindi kakasya yung dala kong pera, and ayaw ko namang biglang bumawi na lang right after kong marinig yung presyo. Tingin ko kasi e hindi ito yung tipong pag may gamit akong hindi ko kayang mabili e pwede na lang akong magwalk-out basta basta. Kailangan kong mag-isip ng strategy, at kailangan kong i-execute yun agad. Wala na akong ibang maisip, so ang ginawa ko e binunot ko yung phone ko at umarte na kunyari’y may kausap. Yeah, the fake phone conversation strategy. I know it’s lame, pero I have no choice. Noong tinatawag na ako noong barbero para lumapit sa cashier, sumenyas ako sa kanya na “teka lang”, and then marahan akong lumabas ng barber shop. That time me mga nakatambay na barbero sa labas ng shop na siguro e nagpapatay ng oras habang walang customer, at nakita nila ako. Tuluy-tuloy akong naglakad palayo habang hindi ko inaalis yung phone sa tenga ko. I mumble some characters para lang maisip nilang nagsasalita rin ako, and then I looked left and right, to pretend na may kakakitain akong tao at nagtatanong yung kausap ko kung nasaan na ako. Noong na-realize ko na nasa safe distance na ako, agad kong itinago yung phone ko.

Crap…

Doon ko naisip, nakakahiya pala if you’re making a fake phone conversation. I already talked to someone on the phone in public, pero that time hindi ko nararamdaman ito, kasi me kausap talaga ako. Pero ito na parang I was just mumbling words out of my mouth, parang ang stupid. Hindi na ako umaasa na naniwala yung mga barbero sa barbero kong ginawa, basta ang mahalaga e nakalayo ako sa barber shop na yun. Takte, ang mahal pala ng gupit doon.

Dire-diretso na akong umuwi noon. Naisip ko pa ring magpagupit sa Bruno’s Barbers, pero magla-lie low muna ako. Baka sindikato ng mga barbero yung sa Bruno’s at baka ipinakalat na nila yung litrato ko. :-| Well seriously, gusto ko pa ring magpagupit doon, pero saka na siguro. :P Moral lesson: magdala ng extra money. Always.

  • promking
    akala ko nagpagupit ka na.. ahaha.
  • Love
    hahaha! dapat nagpaka-totoo ka na lang.. sabihin mo 'ay wag na lang' :p
  • wala e, naunahan ako ng hiya. hahahaha... pero sa fake phone call hindi ako nahiya e no? :))
blog comments powered by Disqus