Food Court Incident

Mahirap bang magtanong nang “May nakaupo ba dito?”

Kadalasan na maraming tao ang kumakain sa mga food courts. Sa mga food courts kasi, sobrang dami ng choices, so pwedeng ang sabaw, kanin, ulam at drinks e galing sa iba’t-ibang stores. It should not necessarily come from one restaurant. Dahil maraming kumakain sa mga food courts, kadalasang nagkakaubusan ng upuan. Ito ang isang incident na naranasan namin ni April when we ate sa food court ng Market! Market!.

Sobrang limited ng choices ng mga food joints sa office area namin, kaya kapag tipong hindi na talaga namin trip ang mga pagkain dito, nagdedecide kami ni April na kumain na lang sa Market! Market!. Sobrang daming pagpipilian doon, well, at least mas marami siya compared to those in our office area. So that day naisipan nga naming sa Market na lang kumain, at naisip naming sa food court kumain to eat our favorite Sizzling Bulalo by Razon’s. Sa pagkakaalam ko, dalawa ang food court ng Market: isa sa loob na pinangalanang Food Choices, at pangalawa e yung nasa labas na pinangalanang Food Market. Hindi ko pa nabibisita yung Food Choices, and since subok ko na ang Food Market, at andoon ang Razon’s, doon kami nagpunta. Ang setup ng mga upuan e pareho lang ng ordinaryong food court: seats that can accommodate four people, harap-harapan yung magkapares sa isang shared table. Hindi naman talaga namin gusto ni April na sakupin yung four-seated table para lang sa aming dalawa, pero wala kaming choice. Lahat ng upuan doon e ganoon. So umupo na kami at umorder.

Magkatabi kami sa isang side ng table, so the other two in front of us is vacant. Naisip namin ni April na malabo naman sigurong may umupo sa harap namin na hindi namin kilala, dahil sa rule of hiya: mahihiya yung tao na makiupo sa isang seat na kaharap yung mga hindi niya kilala. Unless pwedeng i-detach yung upuan, hindi sila lalapit sa iyo to ask if pwede bang makiupo. So nag-expect kami na hindi kami guguluhin. Besides, we’ve been eating there for quite sometime, and wala namang nakikiusap na makiupo with us na hindi namin kilala, so I think walang mangyayaring something awkward. Then something happened.

I think it’s a group of construction workers na kakaorder lang ng mga food. Hawak-hawak ng lalaki yung tray at noong makita yung seat namin, agad niya itong inilagay sa mesa namin. Take note, hindi pa kami tapos kumain. Sasabihan ko na sana, kaso sabi ni April baka nakikilagay lang ng tray. Well, pwede nga namang ganoon, kasi baka nabigatan siya sa tray ng pagkain na hawak niya (pero construction worker siya. Nagagawa nga niyang magbuhat ng saku-sako ng buhangin/cemento tapos sa isang tray lang ng pagkain e bumibigay na siya? Of course assumption lang yun). Bale may kasama siyang lalaki na umoorder pa ng pagkain, at noong nagsalita na siya na “Dito na tayo” at inuusog na niya yung tray sa mesa namin habang naghahandang umupo, nagsalita na ako.

Ako: Ay dito po kayo kakain?
Siya: Oo.

I already thought na sobrang kawalan ng kortesiya ang ginawa niya dahil hindi man lang siya nagbother na magtanong kung may nakaupo ba doon, or kung pwede ba silang makiupo doon. Basta lang sila dumulog doon na parang feeling close. I don’t do rude things to others as long as they don’t do rude things to me (well in most times) so nagsalita na ako.

Ako: Ay may nakaupo po diyan. Hinihintay lang po namin.
Siya: Aah ganoon ba?
Ako: Opo.

Sa conversation na iyan nakatitig lang siya sa akin. Ako naman e hindi bumawi ng tingin. Tinitigan ko rin siya. Tignan na lang natin kung sino unang maiinlab sa aming dalawa sa isa’t-isa. And then fortunately, umalis din siya at sinabi sa kasama niya na sa iba na lang sila, since sinabi ko nga na may kasama kami. Tapos narinig ko ang sinabi ng lalaking kasama niya.

Kasama niya: Baka naman wala talagang kasama yan ah…

Damn, so rude. Marami naman akong nakasagupa na construction worker in the past, and most of them naman e magagalang at mababait. Pero these guys are so rude. Well siguro mahihiya ako kung makikiusap sila na baka pwede silang makishare ng upuan sa amin. But the fact na hindi sila nagtanong at basta na lang sila nag-assume na pwede silang umupo is really something. Sa sobrang inis ko sinundan ko pa ng tingin yung lalaking nagdududang may kasama kami, hanggang sa nakakita sila ng mauupuan nila sa may bandang likod namin. Sobrang pigil na lang ako ni April dahil daw baka biglang magtake effect agad yung bulalo namin sa akin at bigla akong magka-heart attack. Grabe talaga. Buti na lang talaga patapos na kaming kumain. I was still uncomfortable that time, so siguro kung nag-uumpisa pa lang kaming kumain e baka nawalan na ako ng ganang kumain. But still, sizzling bulalo yun, so what the hell?

Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin kami umaalis since inuubos ko pa yung buko pandan drink na binili namin sa hiwalay na store. Then nakita ko yung dalawang contruction worker na tapos nang kumain at tinitignan pa yung seat namin, maybe looking for our “friends” na hinihintay namin. Nakatingin lang ako sa kanila habang papalayo sila.

Wala naman talagang problema sa akin kung kukunin mo yung upuan lalo na kung vacated naman. Kaso kung hindi detachable, maybe you need to think again. Kaya nga isang rule na sinusunod ko kahit hindi kami kumakain sa food court is to find a seat first before ordering, para sigurado ka na may upuan ka na (well, aside from Jollibee siguro, since mabilis magkaroon ng seat doon). Siguro kung worst case scenario, wala na talagang seat, then I guess it’s acceptable to ask if pwede bang makiupo kasama yung mga hindi mo kilala. Again, it would be better to ask. Hindi tama na basta ka na lang uupo na walang paalam.

  • nung nasa HK kami ng GF ko, normal na na magkaroon ka nang kasama na hindi mo kilala sa isang lamesa. Maliliit kasi resto doon at konti lang upuan, at marami din taong lumalabas para kumain. normal na, pero nag papa-alam naman sila.

    napaka bastos naman nung mga tao na yun. ang dali lang magtanong kung pwedeng maki-upo tapos di nila nagawa, paano pa kaya ang ibang bagay.
  • yeah, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang hirap magtanong kung meron bang nakaupo. pero I don't know, hindi rin kasi ako komportable na may kasalong kumain na hindi ko kilala, so kahit na siguro magpaalam siya, medyo maaalangan ako. hehe..
blog comments powered by Disqus