Who wants a Starbucks coffee? Vinti? [sic]
Hindi talaga ako coffee drinker. Actually kahit gatas ayoko. Ang pinakagusto ko lang inumin ay tubig, or juice. Pero I am really not a coffee drinker. Kasi for me noon, ang objective kaya umiinom ng liquid ang isang tao ay para pawiin ang uhaw niya. Kung iinom ako ng kape, hindi ba mas maiinitan lang ako? Pero siyempre, narealize ko lang na mali ang logic kong iyan noong nakaengkwentro ako ng iced coffee noong college pa lang ako. And it eventually led me to drinking coffee from Starbucks.
Noong college pa lang ako alam ko nang may Starbucks, pero hindi ako umiinom niyan dati kahit na may malapit na branch sa school namin dati. Pakiramdam ko kasi kapag pumasok ako ng Starbucks, OP na ako. For me kasi, drinking Starbucks coffee is for the rich kids. Lumaki ako na ang turing ko sa sarili ko ay anything but mayaman, so I thought I don’t belong there. Plus, hindi nga ako ganoon ka-fan ng kape.
Naalala ko dati, we had our thesis discussions/brainstorming sa Starbucks branch na malapit sa school namin kasama yung college friend na kamukha ni William Hung. That was the first time na pumasok ako ng Starbucks. Natuwa ako sa ambience ng place. Una agad kong nasabi sa sarili ko “ang bango!” Pero siyempre hindi pa rin ako nagpahalata sa mga kaibigan ko. Umorder si William Hung ng frappe noong panahon na iyon, na hindi ko pa alam kung ano ang tawag. Kahit na nakikita kong sarap na sarap siya sa pag-inom ng kape niya, hindi pa rin ako nagpatinag. Talagang hindi ako bumili ng kape.
Pero hindi rin nagtagal at “napilitan” din akong bumili ng kape from Starbucks. Hindi ko na matandaan kung kailan ako unang nakainom ng kape from Starbucks, pero ever since, ang palagi ko lang inoorder e mocha frap. April and Dave were laughing at me, kasi kapag tinanong nila kung ano ang gusto ko, mag-iisip pa ako ng matagaaaaaaaaaal na matagal, tapos biglang sasabihin ko na mocha frap. They were like “nag-isip ka pa!” Pero dumating din naman yung time na nag-evolve na ako from mocha frap. Ngayon, hazelnut mocha frap na! Parang pokemon lang. Doon ko naisip na signature drink ko na ata talaga ang hazelnut mocha frap. It’s like Bond’s vodka martini: shaken, not stirred. Pero sabi nga, at least yung kay Bond may class.
Nakakatuwa ang mga barista sa Starbucks. They are so accommodating, na ang trato sa iyo e kaibigan, kaysa customer. Nakakagaan ng feeling. Naalala ko pa nga, yung baristang babae dito sa The Fort area, mas natatandaan pa ang name namin ni Dave, maliban kay April. Noong bumabati siya sa amin, “Hi Dave and Fred! uhhh… ano nga po pala uli name mo Ma’am?” (I used “Fred” as my nickname sa Starbucks, kasi naiinis ako kapag hindi nila naiispell ng tama yung “Derek” o yung full name ko. To keep my name from being murdered everytime I order, “Fred” na lang ang sinasabi ko. At least mas madaling isulat.)
Ngayon dumating na naman ang Christmas season. Noong pauwi na kami ni April, natanaw namin yung mga planners na ibibigay just in case makumpleto namin yung quest (Warcraft?). Kaya ngayong wala na akong sipon, let’s go!
Now I enjoy drinking at Starbucks. Hindi ko na iniisip kung OP ako or what.











