Sa pagkakatanda ko, ito pa lang ata ang moment na tinawag ako sa ibang pangalan. So far kasi, ang pinaka-”kakaiba” na itinawag sa akin ay sa aking surname. At least yun, pangalan ko pa rin di ba? Pero dito kakaiba. As in totally hindi siya connect sa buong pangalan ko.
Mayroon kaming training for two days – Thursday and Friday. Hindi ako nakapasok noong Thursday so yung Friday session lang ang na-attendan ko. Kaya noong pumasok ako e medyo nahihiya ako, kasi as in hindi ko alam kung ano yung mga itinuro so kung magkakaroon man ng exercise e for sure hindi ako makakasagot. E kadalasan pa naman ng mga exercise sa mga trainings, one by one e tatanungin. Nakakahiya naman kung hindi ko alam ang sagot. Pero sabi ko na lang sa sarili ko e “bahala na”.
Bale hapon na nagstart yung session ng training for that day, at ang sinabi sa akin na magtuturo noon e si April. Nakahinga naman ako ng maluwag, kasi at least hindi na kami magkakaharap noong nagturo noong Thursday session. Kaso biglang nabalitaan ko na lang na babalik daw yung nagturo noong Thursday para magbigay ng exercises. Patay kako. Buti na lang at yung exercise e hindi naman one by one. Kumbaga e we are just given the exercises, and then sa huli e sama-sama naming sasagutin. Whew. Hindi pa nagtagal at nagturo na rin si April, pero nagtataka ako kung bakit andoon pa yung isang trainor. I just found out na nagbigay daw pala ng “game” kahapon itong trainor na ito sa kanila, at mukhang magbibigay uli siya ng isa pang game for that day. The concept was so cool, kasi medyo may ice breaker talaga sa loob ng room. Sabi sa akin ng katabi ko, totally hindi daw related yung lesson namin doon sa game, so I thought na ganoon din for that day. Pero mali ang inisip namin.
Noong natapos nang magturo si April, umupo siya sa tabi at tumayo uli yung lalaki na nagpa-exercise kanina. Sinabihan niya kami na maglalaro daw kami ng jeopardy, at yung grouping daw e kagaya noong Thursday session’s game. So dalawa ngayon ang dilemma ko: una, hindi ko alam yung mechanics ng jeopardy though narinig ko na siya, and pangalawa, hindi ko alam kung kanino ako sasali na group. Then noong pinakita yung Excel spreadsheet noong grouping, tinawag noong trainor yung pansin ko in an unusual way.
“Billie, saan mo gustong sumaling grupo?”
Hindi pa ako nakasagot noon, kasi I thought iba ang kausap. Medyo kilala ko naman yung mga kasama ko doon sa training, so I would know naman if there’s someone there who was named Billie. But no. Again, nagsalita uli yung trainor.
“Kasi di ba wala ka kahapon? So saan mo gustong sumali?”
That time alam ko nang ako yung kausap niya, so pinili ko na yung mga katabi ko that time. Akala ko talaga iba yung kausap niya sa unang tanong, at yung pangalawang tanong ay para sa akin. Pero nalaman ko na pareho palang para sa akin yung dalawang tanong na iyon. At noong makita ko na yung nakatype na bagong pangalan doon sa grouping, medyo natawa ako na ewan. Ang pangalan ko doon e Billie. Not Billy, but Billie. Yung mga kasama ko, nakatingin sa akin at parang natatawa na ewan. Ako naman e parang shock pa rin kasi “Who the hell is Billie?!” Doon na nagsimula ang lokohan.
Sa Thursday game pala e walang nakuhang score yung mga kagrupo ko. As in zero, itlog. Pero noong nagstart yung game, aba, bumabawi kami! Wala akong maisagot noon, kasi lahat ng tanong e puro sa mga lesson noong Thursday. Ang palagi lang sumasagot noon e yung mga kasama ko. Ang huhusay nila, kasi kahit yung mga info na na-mention lang at hindi talaga diniscuss masyado e tandang tanda nila. So natatawa kami kapag nakakatama kami. Sabi nga nung mga kasama ko, “tumulong ka naman sa amin Billie!” At every time naman na makakapuntos kami e nagche-cheer na lang ako sa team namin, saying “Go Team Billie!” Almost everyone was laughing, pero hindi ko sure kung bakit parang clueless pa rin yung trainor namin. Pero hindi ko naman sinasabi na he should know my name, I am just saying na ang weird lang na Billie ang ipinangalan niya sa akin. Obviously hindi niya ako kilala, pero it would be great kung tinanong niya ang name ko kaysa nag-assume siya na I am someone else. Hindi ko alam, baka may kahawig ako na someone na nakasagupa niya sa buhay niya na ang name ay Billie. Pero hindi ko na rin pinansin kung Billie ang tawag niya sa akin. Nag-enjoy naman ako with my new name. Kung tinawag siguro niya ako sa mas weird na name, baka nag-react ako. Pero Billie was fun!
Natapos ang laro na iyon at lahat ng mga katabi ko e niloloko ako by calling me Billie. Ako naman e sumasagot, as if na Billie talaga ang name ko. Takte wala man lang nag-correct. Haha.. Isa nga pala kami sa nanalo, by the way, so my group mates believe na ako, si Billie, ang lucky charm nila.
Billie is the name. Jeopardy is the game. Panalo!











