Nakatanggap ka na ba ng spam text? Sa una aakalain mo na ordinaryong text lang ito, kasi galing sa isang 11-digit na cellphone number. Pero kapag nabasa mo na, malalaman mong promo lang pala ito.
Just last week nakatanggap ako ng text na ganito ang sabi:
SIRA KA! Bakit ako manlilibre? Sumali ka na lang. Text BIG to 2332. P500,000 ulit tonight
Noong una nagulat ako, kasi inano ko ba itong taong ito at tinawag akong sira. Pero noong nabasa ko na yung kabuuan ng mensahe, doon ko na nalaman na promotion lang pala ito para sa isang contest ata ng telco na gamit ko. Nagtaka pa ako, kasi tingin ko hindi galing ang ang text na ito mula sa isang number na parang 2332, 211, o iba pang special na number. Noong tinignan ko kung saan galing yung text, nakita kong 11 digits ang number nito, so I guess totoong tao ang nagtext. Sa inis ko noon, nagreply ako sa number na iyon (kung gusto mo malaman kung ano sinabi ko, pilitin mo muna ako). Hindi naman siya nagreply pabalik.
Hindi na ako nagtaka noon na 11 digits yung number nung nagtext sa akin, kasi madalas na rin akong nakakatanggap ng mga text promos na gaya nito. Pero kakaiba ang text ng isang ito. Kasi pag nakakakita ako ng mga text na galing sa number na wala sa phonebook ko, tapos may mga unang salita gaya ng “SMART”, “promo”, “raffle” o “download”, binubura ko kaagad kasi hindi naman ako interesadong sumali. Makikita ko kasi kaagad yung unahang mga words ng text doon sa cellphone ko, at kapag nakakita ako ng words na gaya niyan, delete na agad. Kaso itong isang ito, napilitan akong basahin ang kabuuan ng mensahe, kasi sinabihan akong sira. Siguro nakikita ng mga nag-iisip ng ganitong text promo na hindi pinapansin ang mga text nila, so dumating na sa point na sinasabihan na nilang “sira” ang mga tinetext nila. Sa susunod kaya, ano naman ang itatawag nila sa atin? Darating kaya sa point na mumurahin na nila tayo para lang basahin natin ang mga text promo nila?
Wala na akong pakialam talaga kung totoo o scam lang yung promo na tinetext nila, kasi ano man yan hindi naman ako sasali. Buti pa dati, pwede kong itext ang “ALERT OFF” at isend sa isang number para tigilan ako sa pagsesend ng mga promo texts. Pero sa kasong ito, hindi ko magagawa iyon, kasi totoong tao yung nagtetext. Mayroon bang way para tigilan nila ako sa panggugulo nila?
Well, kung tutuusin wala namang kaso, kasi hindi naman ako nakakaltasan ng load. Pero tingin ko dapat may choice ako kung gusto kong makatanggap ng mga ganitong text o hindi. Pero nga naman, kung bibigyan nga ng mga telcos gaya ng Smart at Globe ng choice yung mga subscribers nila na wag nang makatanggap ng mga mensaheng ganito, for sure wala na silang masesendan pa ng promo texts. I am pretty sure hindi lang ako ang nabubuwisit kapag nakakatanggap ng mga ganitong message.
Sa ngayon siguro wala akong problema kung nakakatanggap ako ng spam text. Pero paano na lang kung nasa abroad ako at naka-roaming ako? Please correct me if I am wrong, pero di ba kung nasa ibang bansa ka at makakatanggap ka ng text galing sa Pilipinas e mababawasan ka rin ng load? Malalaman ba ng mga nagsesend ng mga spam texts na ito kung nasa ibang bansa ka? O wala silang pakialam at all?
Hindi ko alam kung suportado ng mga telcos gaya ng Smart at Globe ang mga ganitong propaganda, pero kung supported nila ito, they should do something about this. I thought sa e-mail at sa blog lang ako makakatanggap ng spam. Pati na rin pala sa cellphone?











