Nitong mga nakaraang araw e napapadalas ang inom ko ng Fit ‘n’ Right (pronounced as “pirruurayt” by my nephew) kapag nauuhaw ako. Pero napapansin kong hindi ata ako pumapayat. Bakit kaya?! As if namang hindi obvious ang reason e no?
Napapansin kong lumalaki na talaga ako. Nay, lumalaki ang tiyan ko. And this is alarming!! Mukha na akong buwaya! Kaya naisip ko na uminom nung L-Carnitine thingy na pinapalabas sa commercial. E naisip ko na ang pirruurayt is the refreshing way to burn (heh), so yun ang napili kong inumin.
So yun nga, akala ko papayat na ako kapag uminom na ako ng pirrurayt. Kaso napapansin kong hindi ata nagbabago ang figure ko (wahahah). Doon ko narealize na niloloko ko lang ang sarili ko. Kung hindi naman ako mage-exercise regularly at kakain ng tama lang, hindi talaga ako papayat kahit gaano pa karaming pirrurayt ang inumin ko. Haay… kailangang mag-ehersisyo!
*Nagugutom ako. Punta kaya ako McDo at umorder ng quarter pounder?* Tsk. Tsk.











