Nakakainis kapag yung mga serbisyo na binabayaran mo e hindi mo mapakinabangan. Nagbabayad ka naman ng tama, minsan nga advance pa yung payment. Pero magugulat ka na lang na yung service na binayaran mo e bulok at mabagal.
I am talking about my internet service provider. Hindi talaga ako masyado makapag-Internet kapag weekdays dahil malayo ang bahay namin at pag-uwi ko e diretso na ako sa pagtulog. Nakakapag-Internet lang ako sa bahay kapag Sabado at Linggo, or kapag leave ako, gaya nung Lunes at kahapon
. So nakaka-frustrate kapag tipong minsan ka na nga lang makakaconnect sa Internet e palagi pang nadidisconnect, tapos magugulat ka na lang wala nang dial tone yung telepono mo.
Last Sunday I was playing World of Warcraft with April and sobrang dyahe talaga dahil palaging napuputol yung connection ko dito. Buti na nga lang at wala pa ako sa gitna nang laban noon kapag nadidisconnect, pero kahit na. It’s really irritating. My mother asks me to call 171 for help (yeah, PLDT kami), pero I thought, “ano naman ang maitutulong nila?”. Kadalasan naman kasi, ang sasabihin lang ng technical support nila e sira yung LAN card ko, o kaya yung PC ko ang may sira kaya hindi maka-connect sa Internet, when it is so clear na sila ang may problema sa service nila. Wala namang masama kung sasabihin nila na may problema sa side nila, kasi kung tutuusin naman, maganda rin naman yung connection kadalasan (well, as far as I am concern). Pero nakakairita lang talaga when they tend to put the blame on you when you can’t connect to the Internet! Kulang na lang sabihin nila na ako yung may sira kaya hindi maka-connect.
Nakita siguro ng nanay ko na hindi niya ako mapapatawag sa Customer Service dahil sa init ng ulo ko sa kanila, so ang kapatid ko na ang pinatawag niya. Ay, mag-ingat na yang Customer Service na yan. Kung warfreak ako, mas warfreak ang kapatid ko, at siguruhin lang nila na matino ang sasabihin nila. She’s a call center agent, and she knows all the BS an agent could tell. So ayun nga, sinimulan na ng kapatid ko yung pagkausap sa Technical Support. Mukhang maayos naman yung usapan, dahil hindi naman napa-alsa yung boses ng kapatid ko, at mga ilang segundo lang e tumawag na sa amin yung Tech Support checking kung ok na yung line namin (dahil wala ngang dial tone talaga kaya hindi makaconnect sa Net). Nagulat ako kasi within hours lang at nasolve na nila. Well hindi ko rin sure kung nasolve nga ba talaga nila o baka natsambahan lang na naging ok na uli yung service.
Sa end ko naman maganda ang internet connection ng PLDT. Nakukuha ko naman ng tama yung bilis na binabayaran ko. Pero ang nakakalungkot lang talaga sa kanila e yung Technical Support nila. I am seriously considering another provider. Any ideas?











